Mau malaki ang papel sa tagumpay ng F2
MANILA, Philippines — Matagumpay na naisakatuparan ng F2 Logistics na mabawi ang Philippine Superliga All-Filipino Conference crown.
Winalis ng Cargo Mo-vers ang Cignal HD Spi-kers, 2-0 sa best-of-three championship series kabilang ang kanilang 25-14, 25-16, 25-19 demolisyon sa Game 2 noong Martes sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.
Huling nahawakan ng F2 Logistics ang All-Filipino Conference noong 2016.
Kaya naman ninanamnam ng Cargo Movers ang tropeo na ilang taon ding nawalay sa kanila.
Ngunit hindi ito maga-gawa ng F2 Logistics kundi sa pangunahing dahilan – si Filipino-American outside hitter Kalei Mau.
Mismong si Cargo Movers head coach Ramil de Jesus na ang nagsabing si Mau ang ‘missing link’ sa kanilang koponan.
“She was the missing link for us to be able to get back to this situation again. I’m thankful that she chose us despite offers from other teams,” ani de Jesus.
Dahil sa kanyang matikas na ipinamalas mula umpisa hanggang dulo ng kumperensiya, itinanghal si Mau bilang Best Scorer at MVP.
Hindi naman kinalimutan ni de Jesus ang kanyang orihinal na bataan na tunay na palaban na sapul pa noong college days ng mga ito gaya nina Aby Maraño, Majoy Baron, Ara Galang, Desiree Cheng at Dawn Macandili.
“But don’t get me wrong; even before Kalei’s arrival, F2 Logistics had always been a solid team. We are ready to play anytime and we have been in the finals in the past three years,” ani de Jesus.
Tapos na ang All-Filipino Conference.
Sesentro naman ang atensiyon ng F2 Logistics sa tangkang mabawi ang titulo sa Invitational Confe-rence na magsisimula sa Oktubre.
- Latest