Win No. 8 target ng SBU laban sa CSB
MANILA, Philippines — Asam ng ‘three-peat’ champion San Beda Red Lions ang pang-walong sunod panalo sa pagharap sa St. Benilde Blazers sa Season 95 NCAA men’s basketball tournament sa FilOil Flying V Arena sa San Juan City.
Tangan ang 7-0 kartada, tiyak ibubuhos ng Red Lions ang lahat laban sa Blazers ngayong alas-12 ng tanghali.
Matapos mabigo sa San Beda noong Martes ay hangad naman ng Lyceum na makabangon sa pagsagupa sa Arellano sa alas-4 ng hapon, habang target ng San Sebastian ang back-to-back win kontra sa Perpetual Help sa alas-2 ng hapon.
- Latest