^

PSN Palaro

Cignal diretso sa semis

Chris Co - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines —  Naikonekta ng Cignal ang 25-15, 17-25, 25-18, 25-22 panalo laban sa Generika-Ayala upang masungkit ang tiket sa semifinals ng 2019 Philippine Superliga All-Filipino Conference kahapon sa Ynares Sports Arena sa Pasig City.

Nagsanib-puwersa sina veteran players Rachel Anne Daquis at Jovelyn Gonzaga para pamunuan ang HD Spikers na ma-kabalik sa semifinals.

“Nasa right timing yung peaking namin kasi nung first round nagi-struggle pa kami but now pataas nang pataas yung game namin at ‘yun ang nakatulong sa amin para manalo. Hindi kami mananalo kung hindi kami nagtulungan lahat,” ani Daquis.

Kumana si Daquis ng 13 attacks at isang block habang bumanat naman si Gonzaga ng anim na attacks at apat na blocks.

“Yung pressure part ‘yan ng game pero kung paano mo ihandle yan pagdating sa game, may nabasa ako na kapag nape-pressure ka kailangan mo lang pakinggan yung breathing mo. Lahat tayo nape-pressure pero kung paano mo siya i-handle sa game dun ka mananalo,” dagdag ni Daquis.

Naging matibay na armas ng HD Spikers ang solidong net defense nito upang matikas na patalsikin sa kontensiyon ang Lifesavers.

Nagrehistro ang Cignal ng 16 blocks - malayo sa limang blocks na naitala ng Generika-Ayala.

Matatalim na aces din ang pinakawalan ng HD Spikers para kubrahin ang 7-5 edge sa service area.

Lamang ng bahagya ang Lifesavers sa attacks, 47-42 ngunit nakapaglista ito ng 27 errors partikular na sa mga krusyal na sandali ng laro.

Makakasagupa ng Cignal sa semis ang reigning champion Petron na nauna nang nagmartsa matapos itarak ang impresibong 25-18, 25-13, 25-11 panalo laban sa Marinerang Pilipina.

Lalaruin ang semis ng Blaze Spikers at HD Spi-kers sa Martes sa Muntinlupa Sports Center.

vuukle comment

PHILIPPINE SUPERLIGA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with