^

PSN Palaro

Tinapos na ng Smbeer

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Tuluyan nang inangkin ng mga Beermen ang kanilang ika-27 korona.

Sa ikatlong sunod na pagkakataon ay tinalo ng San Miguel ang TNT Ka-tropa sa Game Six, 102-90 para pagharian ang 2019 PBA Commissioner’s Cup kagabi sa Smart Araneta Coliseum.

Isinara ng Beermen ang kanilang best-of-seven championship series ng Tropang Texters sa 4-2 at hindi nakaapekto ang pagkasira ng airconditio­ning system ng Big Dome.

Pinalakas ng San Mi-guel ang tsansang makamit ang mailap na PBA Grand Slam, una at huli nilang napasakamay noong 1989 sa ilalim ni coach Norman Black, matapos magkampeon sa nakaraang Philippine Cup.

Nauna nang kinuha ng tropa ni coach Leo Austria ang Game Four, 106-101 at Game Five, 99-94.

Bago ang laro ay hu-mingi ng tawad si Arwind Santos kay Best Import Terrence Jones dahil sa ginawa nitong pagsasayaw na parang unggoy direkta sa dating NBA player sa Game Five noong Miyerkules.

Kaagad nilang ibinaon ang TNT Katropa sa 45-31 sa huling 2:49 minuto ng second period bago iniwanan sa 63-44 mula sa three-point shot ni Chris Ross sa 5:43 minuto ng third period.

Nagtuwang naman sina Jones at Best Player of the Conference Jayson Castro para idikit ang Tropang Texters sa 65-74 sa pagsilip ng final canto.

Ngunit muling nakalayo ang Beermen sa 83-67 mula sa triple ni Alex Cabagnot sa 8:47 minuto ng labanan.

Nagbigay ng tatlong sunod na foul si Castro sa panig ng TNT Katropa para alisin ang kanyang sarili sa huling 3:58 minuto ng sagupaan kung saan tangan ng San Miguel ang 93-77 bentahe

vuukle comment

BEERMEN

PBA

SAN MIGUEL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with