^

PSN Palaro

Mayweather babagsak kay Pacquiao--Arum

Chris Co - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Optimistiko si Top Rank Promotions chief Bob Arum na babagsak si undefeated American pug Floyd Mayweather Jr. sa kamay ni eight-division world champion Manny Pacquiao kung matuloy ang rematch.

Nauna nang pinayuhan ni  Arum si Pacquiao na magretiro na dahil sa posibilidad na pagkakaroon ng brain injury.

Subalit tila sumasang-ayon na si Arum sa Pacquiao-Mayweather rematch na inaasahang muling tatabo sa takilya.

“If that fight happens, then it’s probably worth it to do because that would be a big, big, big fight. Manny Pacquiao would win now,” ani Arum sa panayam ng Fight Hype.

Sinabi ni Arum na mas mabagsik ang Pinoy champion ngayon kumpara noong 2015 kung saan may iniinda itong shoulder injury.

Kitang-kita aniya ang pagbabalik ng bangis ni Pacquiao sa kanyang mga nakalipas na laban kontra kay Keith Thurman noong nakaraang buwan sa MGM Grand Garden Arena sa Las Vegas, Nevada.

Naitala ni Pacquiao ang split decision win para makuha ang World Boxing Association (WBA) super welterweight belt.

Aminado si Arum na kung siya ang masusunod, nais nitong magretiro na si Pacquiao.

Ngunit wala siyang magagawa dahil nakasalalay pa rin sa Pambansang Kamao ang pinal na desisyon.

“He got the win (against Keith Thurman), he went out on a big note. I would recommend that this is the time for him to hang it up; but listen, he makes his own choices,” ani Arum.

Nakasentro ngayon ang atensiyon ng Team Pacquiao sa pagsulong sa rematch laban kay Mayweather.

Kaya naman ibinasura ng kampo ni Pacquiao ang hiling na rematch nina Thurman at Australian fighter Jeff Horn.

Sinabi ni MP promotions chief Sean Gibbons na tapos na ang pagkakataong ibinigay kina Thurman at Horn para makalaban ang isang legendary boxer sa ngalan ni Pacquiao.

vuukle comment

BOB ARUM

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with