^

PSN Palaro

San Beda balik sa solo liderato

Francisco Cagape - Pilipino Star Ngayon
San Beda balik sa solo liderato
Ngunit hindi naging madali ang panalo ng Lions kung saan nangailangan ito ng 12-0 run upang bawiin ang kalamangan, 60-50 mula sa 48-50 deficit mahigit tatlong minuto na lang ang natitira.

MANILA, Philippines — Muling umangat ang three-peat champion San Beda Red Lions sa solo liderato makaraang itakas ang 73-59 panalo kontra sa karibal na San Sebastian Stags kahapon sa pagpapatuloy ng Season 95 NCAA basketball tournament sa FilOil Flying V Arena sa San Juan City.

Ngunit hindi naging madali ang panalo ng Lions kung saan nangailangan ito ng 12-0 run upang bawiin ang kalamangan, 60-50 mula sa 48-50 deficit mahigit tatlong minuto na lang ang natitira.

“We are really excited playing against Baste (SSC-R). We know San Sebastian is a really strong team. Winning this game gives a lot of confidence for my team,” sabi ni SBU coach Boyet Fernandez.

Hindi napigilan ng Stags ang tatlong Red Lions na umiskor ng 14 pun­tos sa pangunguna ni Evan Nelle na umani rin ng sampung rebounds, apat na assists at isang steal habang tig-14 puntos naman sina Cameroonian Donald Tankoua at Fil-Canadian James Kwekuteye.

Tumipak din ng 10 puntos, 10 rebounds at pitong steals si Calvin Oftana para sa pang-apat na sunod na panalo ng Mendiola-based Lions.

Umiskor ng 15 puntos si Allyn Bulanadi at 13 mula kay Alvin Capobres at 13 naman kay Arjan De La Cruz para sa Stags na nahulog sa 2-2 win-loss card.

Sa iba pang laro, tinam­bakan ng 94th season runner-up Lyceum Pirates ang Jose Rizal Heavy Bombers, 95-77 upang angkinin ang ika-apat na panalo.

Nag-ambag ng tig 13-puntos sina Cameroo­nian Mike Nzeusseu at Ralph Tansingco para umakyat ang Pirates sa sos­yohan sa ikatlong puwesto kasama ang Letran sa parehong 4-1 slate.

vuukle comment

SAN BEDA RED LIONS

SEASON 95 NCAA BASKETBALL TOURNAMENT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with