F2 Logistics iiwas mapingasan
MANILA, Philippines — Itataya ng F2 Logistics ang matikas na rekord nito laban sa mapanganib na Foton sa pagpapatuloy ng 2019 Philippine Superliga All-Filipino Conference ngayong araw sa The Arena sa San Juan City.
Magtutuos ang Cargo Movers at Tornadoes sa alas-7 ng gabi matapos ang engkuwentro ng Marinerang Pilipina at Sta. Lucia Realty sa alas-2 ng hapon at ng PLDT Home Fibr at nagdedepensang Petron sa alas-4:15.
Namamayagpag ang F2 Logistics tangan ang imakuladang 8-0 marka kabuntot sa ikalawa ang Petron na may 8-1 kartada at ikatlo ang Foton taglay ang 7-3 rekord.
Hawak ng Cargo Movers ang 1-0 bentahe laban sa Tornadoes sa kumperensiyang ito matapos makuha ang 25-9, 23-25, 25-22, 25-16 panalo sa first round ng eliminasyon.
Aminado si F2 Logistics mentor Ramil De Jesus na mahirap sagupain ang Foton na nagtataglay ng matangkad na lineup sa pangunguna nina towering sisters Jaja Santiago at Dindin Manabat kasama sina Elaine Kasilag, Maika Ortiz at Shaya Adorador.
“Foton is such a tall team. They are a tough team because of sister Jaja and Dindin, who have experiences in the national team and in Japan club league. So we have to be well prepared and look for Foton’s weak point. If we’ll be able to follow our game plan, we could be successful in the game,” ani De Jesus.
- Latest