SBU Red Lions gustong magsolo
MANILA, Philippines — Asam ng ‘three-peat ‘champions San Beda Red Lions na muling masolo ang liderato, habang hangad ng Emilio Aguinaldo Generals ang ikalawang sunod na panalo sa Season 95 NCAA basketball men’s tournament “Campus On Tour” sa EAC Gym sa San Marcelino, Manila.
Makakatapat ng Red Lions ang Generals ngayong alas-4 ng hapon matapos ang laro ng SBU Red Cubs at EAC Brigadiers sa alas-2 ng hapon sa juniors’ division.
Magkasosyo sa liderato ang Red Lions, San Sebastian Stags at St. Benilde Blazers sa parehong 2-0 kartada kaya kung masusungkit ng Mendiola-based team ang ikatlong sunod na panalo ay muli silang aakyat sa solo top spot.
Tinalo ng Red Lions ang Arellano Chiefs, 59-46, na sinundan ng 74-52 panalo laban sa Jose Rizal Heavy Bombers kung saan umiskor sina James Canlas at Calvin Oftana ng tig-17 points.
- Latest