Clarkson isinama ni Guiao sa Gilas
MANILA, Philippines — Kahit na wala pang katiyakan kung papayagan si Jordan Clarkson na maglaro para sa Gilas Pilipinas ay isinama pa rin ni national coach Yeng Guiao ang Fil-American guard sa training pool.
“We’re still hoping that a miracle happens,” katuwiran ni Guiao. “We’re still not giving up on the effort to play him as a local.”
Sasabak ang Nationals sa 2019 FIBA World Cup na nakatakda sa Agosto 31 hanggang Setyembre 15 sa China.
Maliban kay Clarkson, naglalaro sa NBA para sa Cleveland Cavaliers, ang tatlo pang naturalized players ng Gilas Pilipinas ay sina Andray Blatche, Stanley Pringle at Christian Standhardinger.
Nasa training pool din na inaprubahan nina Samahang Basketbol ng Pilipinas president Al Panlilio at chairman Emeritus Manny V. Pangilinan sina June Mar Fajardo, Japeth Aguilar, Raymond Almazan, Mark Barroca, Beau Belga, Robert Bolick, Poy Erram, Marcio Lassiter, Paul Lee, Gabe Norwood, CJ Perez, Roger Pogoy, Kiefer Ravena, Troy Rosario at Matthew Wright.
- Latest