^

PSN Palaro

Petron aasinta ng panalo sa Generika

Chris Co - Pilipino Star Ngayon
Petron aasinta ng panalo sa Generika
Okupado ng Blaze Spikers ang No. 2 spot hawak ang 6-1 marka sa ilalim ng nangungunang F2 Logistics na may matikas na 7-0 kartada.
facebook

MANILA, Philippines — Pakay ng reig­ning champion Petron na ma­garbong simulan ang se­cond round sa pagsabak nito laban sa Generika-Ayala sa pagpapatuloy ng 2019 Philippine Superliga All-Filipino Conference ngayong araw sa Bacoor Strike Gym sa Cavite.

Okupado ng Blaze Spikers ang No. 2 spot hawak ang 6-1 marka sa ilalim ng nangungunang F2 Logistics na may matikas na 7-0 kartada.

Makakasagupa ng Blaze Spikers ang Lifesa­vers (5-2) sa alas-7 ng gabi.

Masisilayan din ang duwelo ng Foton (4-3) at Sta. Lucia (1-6) sa unang laro sa alas-4:15.

Galing ang Blaze Spikers sa panalo kontra sa Lady Realtors noong Sabado sa Alonte Sports Arena sa Biñan City.

Kumbinsido si Petron mentor Shaq Delos Santos na bumalik na ang bangis ng kanyang tropa para sa tangkang ikatlong sunod na All-Filipino crown.

Aasahan ng Petron sina Frances Molina, Aiza Maizo-Pontillas, Bernadeth Pons, Mika Reyes at Rhea Dimaculangan para maulit ang kanilang first-round win sa Generika-Ayala noong nakaraang linggo.

Ngunit mataas ang morale ng Lifesavers na sariwa pa sa 27-25, 16-25, 25-18, 25-13 panalo sa PLDT Home Fibr.

“They shouldn’t play with low morale because this is the first time that we finished third in the first round. Before we started slow but now is a good time to be confident,” ani Lifesavers coach Sherwin Meneses.

vuukle comment

2019 PHILIPPINE SUPERLIGA ALL-FILIPINO CONFERENCE

GENERIKA-AYALA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with