^

PSN Palaro

Petron may misyon sa Sta. Lucia Realty

Chris Co - Pilipino Star Ngayon
Petron may misyon sa Sta. Lucia Realty
Nakatakda ang bakbakan ng Blaze Spikers at Lady Realtors sa alas-6 ng gabi habang maghaharap naman ang Marinerang Pilipina at Cignal sa unang laro sa alas-4.
Jun Mendoza

Laro Ngayon(Alonte Sports Center)

4 p.m.  Marinerang Pilipina vs Cignal

6 p.m.  Sta. Lucia vs Petron

MANILA, Philippines — Target ng nagdedepensang Petron na magarbong tapusin ang first round ng eliminasyon sa pagsagupa nito sa Sta. Lucia Realty sa pagpapatuloy ng 2019 Philippine Superliga All-Fi­lipino Conference sa Alonte Sports Arena sa Biñan, Laguna.

Nakatakda ang bakbakan ng Blaze Spikers at Lady Realtors sa alas-6 ng gabi habang maghaharap naman ang Marinerang Pilipina at Cignal sa unang laro sa alas-4.

Nasa ikalawang puwesto ang Petron taglay ang 5-1 baraha sa ilalim ng nangungunang F2 Logistics na may malinis na 7-0 marka.

Aminado si Petron head coach Shaq Delos Santos na nasa “struggling stage” pa ang kanyang bataan.

Kaya naman umaasa itong magkaroon ng matikas na pagtatapos sa first round para madala ito sa susunod na yugto ng torneo.

Sasandalan ng Blaze Spikers sina Frances Molina, Aiza Maizo-Pontillas, Mika Reyes, Bernadeth Pons, Rem Palma, Rhea Dimaculangan, Buding Duremdes at Sisi Rondina para makuha ang ikaanim na panalo.

Sa kabila ng sunud-sunod na kabiguang tinamo, optimistiko pa rin ang Lady Realtors.

Matapos maitarak ang opening-game win, nagtamo ang Sta. Lucia ng limang sunod na talo para malugmok sa ilalim ng standings.

Umaasa si Sta. Lucia head coach Babes Castillo na muling puputok si ace spiker MJ Phillips.

Pero kailangan ding bumanat ng husto nina Pam Lastimosa, Amanda Villanueva, Rachel Austero at playmaker Rebecca Rivera para makasabay sa mataas na intensidad na laro ng Blaze Spikers.

vuukle comment

2019 PHILIPPINE SUPERLIGA ALL-FI­LIPINO CONFERENCE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with