^

PSN Palaro

Painters nagpalakas sa quarters

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon
Painters nagpalakas sa quarters
Humataw si big man Beau Belga ng 22 points tampok ang 4-of-9 shoo­ting sa three-point line para tulungan ang Rain or Shine sa 86-82 panalo laban sa Mag­nolia sa 2019 PBA Com­­missioner’s Cup ka­ha­­pon sa Smart Araneta Co­­liseum.
Jun Mendoza

MANILA, Philippines — Sa pangatlong sunod na pagkakataon ay muling nabigo ang Hotshots na ma­i­bulsa ang pang-limang tiket sa quarterfinal round.

Humataw si big man Beau Belga ng 22 points tampok ang 4-of-9 shoo­ting sa three-point line para tulungan ang Rain or Shine sa 86-82 panalo laban sa Mag­nolia sa 2019 PBA Com­­missioner’s Cup ka­ha­­pon sa Smart Araneta Co­­liseum.

Humakot ang bagong im­port na si Carl Montgo­me­ry ng 20 points, 12 rebounds, 4 assists, 2 blocks at 2 steals sa kanyang de­­but game, habang may 14 markers si Ed Daquioag.

Sumosyo ang Elasto Pain­ters sa Hotshots sa ika­apat na puwesto sa magka­tulad nilang 5-5 baraha.

Itinayo ng Magnolia ang 12-point lead, 33-21, mula sa basket ni Rome Dela Ro­­sa sa huling 3:33 minuto ng second quarter.

Ngunit naghulog ng 17-8 bomba ang Rain or Shine para agawin ang 52-49 abante sa 6:57 minuto ng third period patungo sa pagtatayo ng 11-point ad­­vantage, 80-69, sa 7:05 minuto ng final canto.

Kumonekta naman ng tatlong triples sina Mark Barroca at Jio Jalalon ka­su­­nod ang basket ni Ian Sangalang, umiskor ng 22 points, para ilapit ang Magnolia sa 80-84 sa natitirang 1:31 minuto ng laro.

Isinalpak ni Gabe Norwood ang dalawang free throws sa huling 9.2 segun­do para selyuhan ang pa­nalo ng Elasto Painters.

Para makuha ang tiket sa eight-team quarterfinals ay kailangang talunin ng Rain or Shine ang San Mi­guel sa Sabado sa Caga­yan de Oro City.

“Sabi ni coach Caloy (Garcia) whatever happens kapag ibinigay namin ‘yung 100 percent namin hindi ka­mi magre-regret sa ma­gi­ging resulta,” pahayag ni Belga. “Hopefully, manalo ka­mi sa San Miguel.”

vuukle comment

2019 PBA COM­­MISSIONER’S CUP

HOTSHOTS

RAIN OR SHINE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with