^

PSN Palaro

PRRD suportado ang mga atletang sasabak sa 30th SEAG

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Sa pamamagitan ni Executive Secretary Salvador Medialdea ay ipinaabot ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kanyang solidong suporta para sa mga national athletes.

Higit sa 500 atleta ang nagsama-sama kahapon sa National Team General Assembly na inorganisa ng Phi­lippine Sports Commission para sa 30th Southeast Asian Games na pamamahalaan ng bansa sa Nobyembre.

“I just want to relay to you the support of our President. He is behind you para sa laban sa SEAG,” wika ni Medialdea na ipinagpaliban ang kanyang biyahe para makasama ang mga national athletes.

Ang nasabing National Team General Assembly ay pinamunuan nina PSC Chairman William ‘Butch’ Ramirez, Commissioners Celia Kiram, Arnold Agustin, Charles Maxey at Ramon Fernandez.

Hiniling ng Executive Secretary sa mga atleta na pagtuunan ang kanilang paghahanda at pagsasanay para sa 2019 SEA Games.

Pinasalamatan naman ni Ramirez si Medialdea para sa pagbibigay ng lakas ng loob sa mga national athletes.

Samantala, hinikayat nina track and field legend Elma Muros-Posadas at Olympic silver medalist Onyok Velasco ang mga atleta na gawin ang lahat ng kanilang makakaya para manalo ng gold medal sa 2019 SEA Games.

“Napakapalad ninyo kasi si Presidente (Duterte) 100 percent ang suporta,” ani Muros-Posadas. “Huwag ninyong pansinin ang problema. Huwag ninyong isipin ang gulo. Focus tayo sa laban. Nandito tayo sa bansa natin kaya lalong galingan natin. Patay kung patay. Gigil sa kalaban, huwag sa opisyal.”

vuukle comment

RODRIGO DUTERTE

SALVADOR MEDIALDEA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with