^

PSN Palaro

Batang Pier dumikit sa bonus

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon
Batang Pier dumikit sa bonus
Pilit na inaagaw ni Prince Ibeh ng NorthPort ang bola kay Glenn Khobuntin ng Dyip habang nakaabang naman si Garvo Lanete.
Jun Mendoza

Lusot sa Dyip

 MANILA, Philippines — Kaagad bumalikwas ang mga Batang Pier mula sa naunang pagkatalo para palakasin ang tsansa sa Top Two seats sa quarterfinal round.

Tatlong magkasunod na three-point shots ang isinalpak ni guard Nico Elorde habang kinana ni rookie Robert Bolick ang isang lay-up sa huling 2.8 segundo para tulungan ang NorthPort sa 110-108 panalo laban sa Columbian sa 2019 PBA Commissioner’s Cup kahapon sa Smart Araneta Coliseum.

Inilista ng Batang Pier ang kanilang pang-walong panalo sa 10 laro para makalapit sa isa sa dala­wang ‘twice-to-beat’ incentive sa eight-team quarterfinals.

“Siguro ‘yung last two minutes na iyon, puso lang talaga,” ani Elorde, tumapos na may 14 points, 7 rebounds, 6 assists at 3 steals. “Gusto talaga na­ming makuha ‘yung panalo.”

Ganap nang makakamit ng NorthPort, nakahugot kay import Prince Ibeh ng 17 markers, 15 boards at 6 blocks, ang nasabing bonus kung mananalo laban sa Meralco sa susunod na Biyernes.

Ilang beses nag-aga­wan sa bentahe ang dalawang koponan bago nagsalpak si Elorde ng tatlong magkasunod na triples para sa 108-103-kalamangan ng Batang Pier sa huling 2:11 minuto ng fourth period.

Ang tres ni Rashwan McCarthy at tip-in ni No. 1 overall pick CJ Perez sa nalalabing 8.1 segundo ang nagtabla sa Dyip, nagmula sa 134-132 overtime win laban sa San Miguel Beermen, sa 108-108.

Natawagan naman si Columbian import Lester Prosper ng goal-tending violation nang guluhin ang lay-up ni Bolick sa huling 2.8 segundo.

Samantala, hinugot ng San Miguel si import Chris McCullough, naglaro sa NBA para sa Brooklyn Nets at Washington Wizards noong 2015-2018 seasons, bilang kapalit ni one-time PBA Best Import Charles Rhodes.

vuukle comment

BATANG PIER

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with