Thompson ‘di iiwan si Curry
OAKLAND, California — Hindi mababasag ang samahan ng ‘Splash Brothers’ sa Golden State Warriors.
Inihayag kahapon ni All-Star guard Klay Thompson ang pananatili niya sa Golden State Warriors para patuloy na makipagtambal kay Stephen Curry.
Sinabi ni Greg Lawrence, ang agent ni Thompson, na pipirma ang shooting guard sa Warriors para sa isang five-year max contract na nagkakahalaga ng $190 milyon sa pagtatapos ng NBA free agent moratorium period.
Nauna nang lumagda si Curry sa isang $201 million, five-year contract noong Hulyo ng 2018.
Nakatakda siyang sumailalim sa surgery noong nakaraang linggo para sa kanyang torn ACL sa kaliwang tuhod matapos ma-injured sa Game Six ng nakaraang 2019 NBA Finals laban sa nagkampeong Toronto Raptors.
Hindi kinumpirma ng Warriors o ni Lawrence kung natuloy ang nasabing operasyon kay Thompson.
Bahagi si Thompson ng limang sunod na NBA Finals stint ng Warriors at may tatlong NBA championships.
Samantala, pumayag naman si back-up center Kevon Looney na pumirma sa isang three-year, $15 million contract para muling maglaro sa Warriors.
Dinala rin ng Golden State si Andre Iguodala kasama ang isang protected 2024 first-round draft pick sa Memphis Grizzlies kapalit ng $17.2 million trade exception.
Sa iba pang balita, lalagda si dating Portland Trail Blazers forward Enes Kanter sa isang two-year, $10 million deal sa Celtics.
- Latest