^

PSN Palaro

Ravena balik-aksyon vs E-Painters

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon
Ravena balik-aksyon vs E-Painters
Hangad ang kanilang pang-limang panalo, lalabanan ng Gin Kings ang Phoenix Fuel Masters ngayong alas-7 ng gabi matapos ang pagtutuos ng Road Warriors at Rain or Shine Elasto Painters sa alas-4:30 ng hapon sa 2019 PBA Commissioner’s Cup sa Smart Araneta Coliseum.
PBA Images

Lara Ngayon(Smart Araneta Coliseum)

4:30 p.m. NLEX vsRoS

7 p.m. Ginebra vs Phoenix

MANILA, Philippines — Pupuntiryahin ng nagdedepensang Barangay Ginebra ang kanilang ikatlong sunod na ratsada habang muling ipaparada ng NLEX si guard Kiefer Ravena.

Hangad ang kanilang pang-limang panalo, lalabanan ng Gin Kings ang Phoenix Fuel Masters ngayong alas-7 ng gabi matapos ang pagtutuos ng Road Warriors at Rain or Shine Elasto Painters sa alas-4:30 ng hapon sa 2019 PBA Commissioner’s Cup sa Smart Araneta Coliseum.

May 4-3 baraha ang Ginebra sa ilalim ng TNT Katropa (7-1), NorthPort (7-2), Magnolia (4-2) at Blackwater (5-3) kasunod ang Alaska (4-4).

Naging impresibo si Fil-Am guard Stanley Pringle, ipinalit kina Sol Mercado, Jervy Cruz at Kevin Ferrer sa Batang Pier, sa kanyang debut para sa Gin Kings nang magtala ng 16 points, 5 rebounds at 3 assists sa kanilang 100-85 paggupo sa Road Warriors.

“He’s a good defender, and you know everybody knows what he can do on offense,” sabi ni resident import Justin Brownlee sa 32-anyos na si Pringle.

Hangad naman ng Fuel Masters na maduplika ang kanilang 97-87 panalo laban sa Batang Pier para mapaganda ang 3-4 marka nila.

Sa unang laro, makikita naman sa aksyon si Ra­vena para sa NLEX matapos isilbi ang kanyang 18-month suspension ng FIBA dahil sa pagiging positibo sa banned substance.

Maliban kay Ravena, ita­tampok din ng Road Warriors si balik-import Olu Ashaolu bilang kapalit ni Tony Mitchell.

vuukle comment

KIEFER RAVENA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with