^

PSN Palaro

Pacquiao maaabot na ang perfect condition

Chris Co - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Malapit nang maabot ni reigning World Boxing As­sociation regular welterweight champion Manny Pacquiao ang perpektong kun­disyon ilang linggo bago ang pakikipagtuos niya kay American undefeated Keith Thurman sa Hulyo 21 (Manila time) sa MGM Grand Garden Arena sa Las Vegas, Nevada.

Nakatapos na si Pacquiao ng isang linggong en­sayo sa US kung sa­an su­ma­ilalim siya sa matinding pagsasanay kasama sina strength and conditioning ex­pert Justin Fortune, Hall of Famer Freddie Roach at chief trainer Buboy Fernandez.

Kaya naman ipinagma­laki ni Fortune na halos na­sa perpektong kundisyon na ang Pinoy champion ba­se sa magandang itinatakbo ng training camp nito sa Wild Card Gym sa Los An­geles, California.

“Manny’s in near perfect physical condition, his sta­mina is superb,” pahayag ni Fortune.

Pinapalakas ni Fortune ang stamina ni Pacquiao.

Tuloy ang pagtakbo ni­ya sa Griffith Park kasabay ng ilang shadow boxing at sit up exercises sa tuktok ng naturang bundok.

Naniniwala si Fernandez na hindi lalampas sa da­lawang linggo ay maku­ku­ha na ni Pacquiao ang 100 porsiyentong kundis­yon para sa laban.

“He’s on his way to getting in razor shape. Siguro hin­di na aabot sa dalawang linggo, nasa perfect condition na si Manny. Nandoon na lahat, hihinitayin na lang ‘yung fight day,” ani Fernan­dez.

Mas matinding pagsasanay pa ang pagdaraanan ni Pacquiao sa pagpasok ng second week ng training sa Wild Card Gym.

Sasailalim siya sa sparring session kasama sina Ar­nold Gonzalez at Abraham Lopez gayundin sa mitts kasama naman sina Roach at Fernandez.

Tinututukan ni Roach ang footwork ni Pacquiao na magagamit niya sa laban.

vuukle comment

WORLD BOXING AS­SOCIATION

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with