^

PSN Palaro

Gilas training full blast na

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Lalarga na ngayon ang mahabang training camp ng Gilas Pilipinas para sa 2019 FIBA World Cup na nakatakda sa China nga­yong Agosto.

Inaasahan ang kum­pletong attendance ng Gilas Pilipinas training pool ngayong gabi sa Meralco Gym sa pagsisimula ng dalawang buwang paghahanda ng Nationals sa world championship na nakatakda mula Agosto 31 hanggang Setyembre 15 sa Foshan, China.

Matatandaan nitong nakaraang Huwebes ay pinulong na ni head coach Yeng Guiao ang koponan bago ang pagsalang nila ngayong araw sa opisyal na ensayo.

Sa naturang pagpupulong ay dumalo sina Jayson Castro, June Mar Fajardo, Gabe Norwood, Troy Rosario, Roger Pogoy, Paul Lee, Mark Barroca, JP Erram, Raymond Almazan at Marcio Lassiter.

Tanging sina Japeth Aguilar at Scottie Thompson ang hindi muna na nakadalo subalit inaasahang makakapunta na ngayon upang makumpleto na ang koponan sa unang araw ng kanilang training camp na tatagal hanggang Agosto.

Dalawang araw kada linggo ang magiging pagsasanay ng Gilas tuwing Lunes at Huwebes. (JBU)

vuukle comment

2019 FIBA WORLD CUP

GILAS PILIPINAS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with