^

PSN Palaro

Creamline hiniya ang BanKo Perlas

Pilipino Star Ngayon

Laro Ngayon (Imus, Cavite)

2 p.m.  BaliPure vs PetroGazz

4 p.m.  Motolite vs PacificTown Army

MANILA, Philippines — Tuloy ang matikas na ratsada ng nagdedepensang  Creamline nang igupo nito ang BanKo Perlas, 25-12, 25-19, 25-16 upang makadikit sa Final Four spot sa Premier Volleyball League (PVL) Reinforced Conference kahapon sa Iloilo City.

Umariba sina Thai import Kuttika Kaewpin at Open Conference MVP Alyssa Valdez kasama si Venezuelan middle hitter Aleoscar Blanco upang banderahan ang opensa ng Cool Smashers.

“The team is happy because coach Tai (Bundit) is back. We have more connection now and this is important for the team. He only asked for us to be confident, excited and happy every game,” ani Blanco.

Umangat ang Cool Smashers sa ikalimang panalo sa anim na laro para mapatatag ang kapit sa ikalawang puwesto sa ilalim ng nangungunang PetroGazz na may imakuladang 6-0 kartada.

Isinalang ng Banko Perlas ang bagong import na si Thai wing spiker Sutadta Chuewulim. Subalit hindi pa rin ito sapat para buhatin ang Perlas Spikers sa panalo.

Si Chuewulim ang pu­malit kay American outside hitter Lakia Bright na nagpasyang bumalik na sa Amerika.

Nahulog ang BanKo Perlas sa 2-5 marka.

Dahil sa panalo ng Cool Smashers, awtomatikong nasikwat ng PetroGazz ang unang tiket sa semifinals dahil sa kanilang impresibong baraha.

Magpapatuloy ang mainit na paluan ngayong araw sa pagdayo ng liga sa Imus Sports Complex kung saan lalarga ang bakbakan ng PetroGazz at BaliPure sa alas-2 at ng PacificTown-Army at Motolite sa alas-4.

Sariwa pa ang Gazz Angels sa matikas na pa­nalo sa Water Defenders, 25-19, 25-12, 25-15 para mapanatiling malinis ang kanilang rekord.

Nakatungtong sa tuktok ng standings ang Gazz Angels dahil sa matikas na laro nina Cuban Wilma Salas at American Janisa Johnson na pangunahing pinagkukunan ng lakas ng tropa. (Chris Co)

vuukle comment

CREAMLINE VS BANKO PERLAS

PREMIER VOLLEYBALL LEAGUE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with