^

PSN Palaro

ISIP-ISIP

PRESS ROW - Abac Cordero - Pilipino Star Ngayon

Mabigat ang warning ni Bob Arum kay Manny Pacquiao para sa nalalapit nitong laban kay Keith Thurman.

 Sa edad daw ni Pacquiao na 40 ay delikado na raw para sa kanya na masabak pa sa mabibigat na laban.

 Brain damage ang kinakatakot ni Arum, ang dating promoter ni Pacquiao.

 Ayon kay Arum, pag nagkaka-edad daw ang tao ay numinipis na ang bungo nito kaya posibleng ma-damage ang utak.

Huwag naman daw sana ito mangyari kay Pacquiao.

Hindi ako expert sa larangan ng medisina pero ang sa akin lang, lahat naman ng boksingero ay humaharap sa ganitong panganib.

Bata man o matanda, may risk ng brain damage ang mga boxers.

Ikaw ba naman ang suntukin sa ulo ng paulit-ulit. Eh pano pa ang mga bakbakan na tumatagal ng 12 rounds.

Sa ordinaryong tao nga, mauntog ka lang minsan ay halos ilang araw mo na ito mararamdaman.

Minsan sinabi na ni Pacquiao sa atin matapos ang isang laban kay Juan Manuel Marquez na napakasakit ng ulo niya.

Dapuan lang ng langaw ay masakit na.

 Hindi ko alam bakit nag-issue si Arum ng warning kay Pacquiao samantalang puwede naman niya ito sabihin sa lahat ng boxers na lumalaban.

Baka naman gusto lang niya ilagay ang panganib sa utak ni Pacquiao at maya-maya niya ito isipin.

 Mind games ang tawag dito.

vuukle comment

MANNY PACQUIAO AND KEITH THURMAN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with