Blue Eagles, Scorpions unahan sa Game 1
MANILA, Philippines — Mag-uunahan ang Cignal-Ateneo at Centro Escolar University na makuha ang unang panalo sa pagsisimula ng 2019 PBA D-League best-of-five championship series ngayong hapon sa The Arena sa San Juan City.
Magtutuos ang Blue Eagles at Scorpions sa alas-4.
Umusad sa finals ang Cignal-Ateneo matapos walisin ang Valencia City Bukidnon-San Sebastian College Recoletos sa semis noong nakaraang linggo.
Kaya naman mahaba-haba rin ang naging pahinga ng Blue Eagles bago sumalang sa finals.
Ngunit ayaw ni Cignal-Ateneo deputy coach Sandy Arespacochaga na maging kampante dahil hindi birong kalaban ang mapanganib na CEU.
“They’re in the Finals for a reason. They’ve been playing undermanned and that’s what makes them dangerous,” ani Arespacochaga.
Aasahan ng Blue Eagles sina Ivorian center Ange Kouame, Thirdy Ravena, Isaac Go at Nieto brothers Matt at Mike.
Ito ang ikatlong finals appearance ng Cignal.
Sa kabilang banda, dumaan sa butas ng karayom ang Scorpions bago makuha ang 2-1 panalo laban sa St. Clare College-Virtual Reality sa hiwalay na best-of-three semifinals series.
- Latest