^

PSN Palaro

4 teams agawan sa buwenamano

Francisco Cagape - Pilipino Star Ngayon

Laro Ngayon(MOA  Arena, Pasay City)

4 p.m. Opening Ceremonies

6 p.m. Bicol  vs  Basilan

8 p.m. Zamboanga  vs  Davao Occidental

MANILA, Philippines — Uumpisahan ng Datu Cup runner-up Davao Occidental Tigers ang ka­nilang kampanya sa pagharap kontra sa  Zamboanga Valientes habang susubukan naman ng Basilan Steel ang baguhang Bicol Volcanoes ngayon sa pagbubukas ng 2019 Maharlika Pilipinas Basketball League (MPBL) Lakandula Cup sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.

Haharapin ng Davao Tigers ang Zamboanga sa alas-8 ng gabi pagkatapos ng pagtatagpo ng Basilan at Bicol sa alas-6 ng gabi. Ipaparada naman ng MPBL ang lahat ng 31 koponan sa opening ce­remonies simula sa alas-4 ng hapon.

Inaasahang pangungu­na­­han ng mga beteranong sina Yvan Ludo­vice, R­ichard Albo, Marco Balagtas at Chester Sal­dua ang Tigers laban sa deadly trio ng Zamboanga na sina Harold Arboleda, Robin Rono at Reed Juntilla.

Sa iba pang laro, tiyak magpapakitang gilas agad ang mga Volcanoes na sina Ronjay Buenafe at Alex Nuyles habang itatapat naman ng Basilan sina Jay Collado, Hesed Gabo, Bobby Balucanag, Jett vidal, Michole Sorela at Shaq Alanes.

Mahigit 31 koponan ang sasabak sa ikatlong season ng home-and-away league matapos humabol ang Bacolod City. Hinati sa Northern Division at Southern Division ang mga maglalaro sa season na ito.

vuukle comment

2019 MAHARLIKA PILIPINAS BASKETBALL LEAGUE LAKANDULA CUP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with