^

PSN Palaro

Thurman pinag-iingat ni Fernandez

Chris Co - Pilipino Star Ngayon
Thurman pinag-iingat ni Fernandez
Dito inihalintulad ni Fernandez ang reigning WBA regular welterweight titlist na si Pacquiao na tatama kay Thurman sa oras na magkrus ang kanilang landas sa ibabaw ng ring.

MANILA, Philippines — Binigyan ng babala ni chief trainer Buboy Fernandez si World Boxing Association (WBA) super welterweight champion Keith Thurman na maghanda dahil isang mapanganib na Manny Pacquiao ang makakaharap nito sa kanilang engkuwentro sa Hulyo 20 (Hulyo 21 sa Maynila) sa MGM Grand Garden Arena sa Las Vegas, Nevada.

Bagyong Pacquiao.

Dito inihalintulad ni Fernandez ang reigning WBA regular welterweight titlist na si Pacquiao na tatama kay Thurman sa oras na magkrus ang kanilang landas sa ibabaw ng ring.

“Ibang Manny Pacquiao ang makakalaban niya (Thurman). Talagang matinding bagyo ang haharapin niya,” ani Fernandez.

Ipapalasap ni Pacquiao ang pinakamalupit na hagupit kay Thurman na makailang-ulit na nagpakawala ng matatalim na salita laban sa Pinoy champion sa ilang interviews nito.

“Yung mga hindi pa niya nararanasan sa ibang boxers na nakalaban niya talagang mararamdaman niya kay Manny,” ani Buboy.

Walang sinasayang na sandali si Pacquiao sa pagsasanay nito sa Elorde Boxing Gym sa Mall of Asia grounds sa Pasay City.

Ayon kay Fernandez, ibinubuhos ni Pacquiao ang lahat para masiguro na handang-handa ito bago sumabak sa laban.

“Sobrang motivated ni Manny dahil dun sa mga pinagsasabi ni Thurman. Talagang na-challenge siya, gusto niyang bigyan ng leksiyon si Thurman,” dagdag ni Fernandez.

vuukle comment

BUBOY FERNANDEZ

KEITH THURMAN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with