^

PSN Palaro

Game fixing sa MPBL paiimbestigahan ni Manny

Francisco Cagape - Pilipino Star Ngayon
Game fixing sa MPBL  paiimbestigahan ni Manny
Sinabi pa ni Pacquiao na bibigyan niya ng gantim­pala kung sino man ang makapagpakita ng ebidensiya tungkol sa game fixing na naka-apekto sa resulta ng laro.

MANILA, Philippines — Nakikipag-ugnayan ang Maharlika Pilipinas Basketball League (MPBL) sa pangunguna ni Chief Executive at Founder Sen. Manny Pacquiao sa isang expert group para pa­ngalagaan ang home-and-away league mula sa mga illegal gambling syndicates.

Ito’y matapos ang mga unconfirmed reports na nakarating sa MPBL Commissioner’s Office ukol sa paratang na game fixing na nangyayari sa liga sa nakaraang season.

“Gusto kong panga-lagaan ang MPBL. Gusto kong ang tao hindi niloloko. Gusto ko ang game laging competitive. Hindi yung maraming hokus-pokus. Ayaw kong niloloko natin yung sambayanang Pili­pino. Wina-warningan ko lang baka pagdating ng pa­nahon mawala na kayo na parang bula,” sabi ni bo­xing icon Pacquiao.

Sinabi pa ni Pacquiao na bibigyan niya ng gantim­pala kung sino man ang makapagpakita ng ebidensiya tungkol sa game fixing na naka-apekto sa resulta ng laro.

“May mga grupo na tayo na expert dyan para masubaybayan ang  mga players na kahina-hinala, mga taong pumapasok outside the league. Bantayan natin sila. Magtulungan na lang tayo. Kapag may nalaman tayo na information, sumbong n’yo agad sa akin, ako na bahala doon,” dagdag ng Senador na tubong Gen. Santos City.

Samantala, hinati sa dalawang divisions ang 31 koponan kabilang na ang limang expansion teams na sasabak sa Lakandula Cup na magsisimula na bukas sa MOA Arena sa Pasay City.

Nanatili pa ring mala­lakas ang 15-team  N­orthern Division sa pangunguna ng Datu Cup champion San Juan Knights.

Kabilang naman sa 15-team Southern Division ang Datu Cup runner-up Davao Occidental Tigers.

vuukle comment

MAHARLIKA PILIPINAS BASKETBALL LEAGUE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with