^

PSN Palaro

Laure sisters magsasama sa Foton Tornadoes

Chris Co - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Dadalhin ni UAAP Ro­okie of the Year Eya Laure ang tikas niya sa kampo ng Foton Tornadoes na mag­tatangkang masungkit ang titulo sa 2019 Philippine Superliga All-Filipino Conference na magsisimula sa Hunyo 15.

Kinuha ng two-time Grand Prix champion Foton ang serbisyo ni Laure para hi­git pang mapalakas ang line­up nila.

Makakasama ni Laure ang nakatatanda niyang ka­patid na si EJ.

Nauna nang nagdesis­yon si EJ na magbalik-ak­syon matapos ang da­lawang taong pahinga bun­sod ng shoulder injury.

Malaking tulong si Eya sa Tornadoes dahil kaya ni­tong makapagbigay ng double digits kada laro.

Isa si Laure sa top sco­rers sa nakalipas na UAAP Season 81 kung saan tinulungan niyang makaabot ang University of Santo To­mas sa Finals.

Subalit kinapos ang Tigresses matapos yumu­ko sa Ateneo de Manila Uni­versity sa best-of-three championship series, 1-2.

Nagtamo si Eya ng sprain sa serye.

Ngunit tiniyak niyang na­sa perpektong kundis­yon na ang kanyang kata­wan at handang-handa na siyang makipagsabayan sa matitikas na koponan sa PSL.

Maliban kina Eya at EJ, madaragdag din sa Tornadoes sina Justin Dorog at Marianne Buitre ng University of the Philippines, at Lai Bendong ng University of the East.

Sa pagpasok ng ilang key players sa koponan, iti­nuturing na isa ang Foton sa mga title contenders sa kumperensiyang ito.

Nariyan sina Jaja San­tia­go at Dindin Santiago-Ma­­nabat na parehong naglaro sa commercial league sa Japan.

Malaki ang improvement ni Santiago na nasila­yan nang maglaro ito sa hu­ling bahagi ng Grand Prix conference.

Kasama rin sa Tornadoes sina holdovers Maika Ortiz, Mina Aganon, Shaya Adorador, Jen Reyes, Elaine Kasilag, CJ Rosario, Ivy Perez, Gyselle Sy, Iumi Yongco at Arianne Layug.

vuukle comment

UAAP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with