^

PSN Palaro

Sotto, Edu babandera sa Gilas youth sa World Cup

Pilipino Star Ngayon
Sotto, Edu babandera sa  Gilas youth sa World Cup
Makakasama nina Sotto at Edu sina Migs Oczon, Gerry Abadiano at Dave Ildefonso ng NU, Xyrus Torres ng FEU, Bismarck Lina ng UST, Joshua Ramirez ng Letran at Geo Chiu ng Ateneo.

MANILA, Philippines — Tatrangkuhan ng twin towers na sina Kai Sotto at AJ Edu ang 14-man pool ng Gilas Pilipinas youth squad para sa nalalapit na 2019 FIBA U19 World Cup na gaganapin sa Heraklion, Greece sa huling bahagi ng buwang ito.

Makakasama nina Sotto at Edu sina Migs Oczon, Gerry Abadiano at Dave Ildefonso ng NU, Xyrus Torres ng FEU, Bismarck Lina ng UST, Joshua Ramirez ng Letran at Geo Chiu ng Ateneo.

Magbabalik din sa Gilas Pilipinas youth-da­ting Ba­tang Gilas – ang mga NU standouts din na sina Carl Tamayo at Terrence Fortea matapos hindi makalaro sa ginanap na 2018 FIBA Asia U18 Championship sa Thailand kung saan pumang-apat ang koponan upang makapasok sa World Cup para sa 19-and-under age group category.

Si James Spencer na­man ng UP ang nag-iisang bagong mukha sa team.

Samantala, ang isa pang alas na gwardya na si Dalph Panopio mula sa Italy ay sa Hunyo 18 pa makakasama sa koponan sa Doha, Qatar kung saan sasali ang Gilas youth sa isang pocket tournament bago tumuloy sa Greece para sa kompetisyong gaganapin mula Hunyo 29 hanggang Hulyo 7.

Inaasahang pagkatapos ng Doha pocket tourney iaanunsyo ni Ares­pacochaga kasama sina Charles Tiu, Ryan Betia, JB Sison, Anton Altamirano at Goldwin Monteverde ang Final 12 ng koponan.

Ranggong ika-30 sa buong mundo, masusubok ang Gilas youth sa bigating Pool C kasama ang No.9 na Argentina, No. 15 na Greece at  No.19 na Russia.

Ito ang unang pagkaka­taon na makakasali sa U19 World Cup ang Gilas sa loob ng 40 na taon buhat nang magtapos sa 10th place ang Pilipinas sa pa­ngunguna nina PBA legends Hector Calma, Chito Loyzaga, Yoyoy Villamin, JB Yango at Biboy Ravanes noong 1979 sa Brazil.

vuukle comment

2019 FIBA U19 WORLD CUP

AJ EDU

KAI SOTTO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with