^

PSN Palaro

Daniels bida sa Aces

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon
Daniels bida sa Aces
Matibay na depensa ang ibinigay ni Alas­ka guard Jeron Teng laban kay Magnolia big man Ian Sangalang.
Jun Mendoza

Phoenix ‘di aapela sa kaso ni Abueva

MANILA, Philippines — Tila naging ensayo na lamang para sa Alaska ang pagsagupa sa Magnolia.

Mula sa dikitang first period ay umarangkada ang Aces sa second quarter patungo sa 103-80 paglampaso sa Hotshots sa 2019 PBA Commissioner’s Cup kahapon sa Smart Araneta Coliseum.

Ito ang ikalawang sunod na panalo ng Alaska para sa kanilang 3-2 record  habang kaagad nalasap ng Magnolia ang una nilang kabiguan sa torneo.

Kumamada si import Chris Daniels ng 23 points, 7 rebounds at 2 assists habang nagdagdag si  JVee Casio ng 17 para sa Aces.

Nagmula ang Hotshots sa kabiguan sa San Miguel Beermen sa nakaraang 2019 PBA Philippine Cup.

Hawak ang five-point lead, 25-20, sa pagtatapos ng first quarter, humataw ang Aces sa second period para itayo ang 14-point advantage, 50-36 mula sa three-point shot ni Jeron Teng sa huling 46.4 segundo nito.

Lalo pang nakalayo ang Alaska sa third canto nang ilista ang 78-56 bentahe galing sa triple ni guard Simon Enciso sa huling 3:40 minuto nito.

 Samantala, taliwas sa inaasahan ng lahat, hindi aapela ang Phoenix kaugnay sa ipinataw na parusa kay Calvin Abueva ni PBA Commissioner Willie Marcial dahil sa dalawang magkasunod na insidenteng kinasangkutan ng small forward.

“We no longer wish to comment on the basis of the decision but just expect and hope that incidents like this in the future will be treated similarly and decided the same manner regardless of the player involved,” wika ng Fuel Masters management sa isang official statement noong Martes ng gabi ilang oras matapos ihayag ni Marcial ang desisyon niya kay Abueva. “This is already a decision pre­cedent that should be used as basis in deciding similar infractions.”

Pinatawan ng PBA ang 31-anyos na si Abueva ng indefinite suspension bukod pa ang multang P70,000 dahil sa kanyang pagkakasangkot sa dalawang nangyaring insidente noong nakaraang Linggo

vuukle comment

2019 PBA COMMISSIONER’S CUP

ALASKA

MAGNOLIA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with