Cignal-Ateneo, CEU puntirya ang Finals
MANILA, Philippines — Pakay ng Cignal-Ateneo de Manila University at Centro Escolar University na maisaayos ang paghaharap sa finals sa pagsagupa sa magkahiwalay na karibal ngayong hapon sa pagpapatuloy ng 2019 PBA D-League best-of-three semifinals sa Ynares Sports Arena sa Pasig City.
Makakatipan ng Blue Eagles ang Valencia City Bukidnon-San Sebastian College Recoletos sa alas-2 habang aariba naman ang Scorpions kontra St. Clare College-Virtual Reality sa alas-4.
Matikas ang ratsada ng Blue Eagles nang dagitin nito ang 105-67 panalo laban sa Golden Harvest sa Game 1 ng serye noong Lunes.
Subalit walang balak maging kampante ang Cignal-Ateneo dahil alam nitong reresbak ang Valen-cia para makahirit ng rubber match.
Ipaparada ng Blue Eagles sina Ivorian slotman Ange Kouame, Thirdy Ravena at Nieto brothers Matt at Mike.
Aasahan naman ng Valencia sina Allyn Bulanadi at RK Ilagan ngunit kailangan ng dalawa ng sapat na suporta mula sa kanilang mga katropa.
- Latest