PSC-POC-Phisgoc nagkaisa para sa tagumpay ng SEAG
MANILA, Philippines — Nagkaisa ang lahat para sa layunin na maging No. 1 sa darating na 2019 Southeast Asian Games na gaganapin dito sa bansa ngayong Nobyembre 30 hanggang sa Disyembre 11 sa Angeles City-Clark bilang main hub.
Tangan ang paksang “Go Team Philippines! Aim for No. 1! We win as one!,” dinaluhan ng mahigit 56 National Sports Associations (NSAs) ang kauna-unahang Team Philippines Assessment Meeting kahapon na ginawa sa PICC Summit Hall.
Dumalo rin sina Philippine Olympic Committee President Ricky Vargas at Philippine SEA Games Organizing Committee (Phisgoc) chairman Alan Peter Cayetano at Atty. Kim Raissa Uy ng Malacañang sa pagtitipon na inorganisa ni Philippine Sports Commission Chairman William Ramirez bilang Chef of Mission ng Philippine delegation para sa 30th SEA Games.
Bukod sa New Clark City, ang 30th Southeast Asian Games, ay gaganapin din sa Subic, Metro Manila at Tagaytay City.
“We are all of the same color. We are Team Philippines. Let us be inspired by great purpose, let us be enthusiastic. I’ll be focusing my eyes on the national athletes. There are many faces of winning but we must aim for No. 1,” pahayag ni Ramirez na siya rin ang Chef de Mission at PSC Chairman ng masungkit ng Pilipinas ang overall crown sa unang pagkakataon simula noong 1977 na ginawa ang beinnial meet sa bansa noong 2005.
- Latest