^

PSN Palaro

Abueva hinog na sa multa, suspensyon

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon
Abueva hinog na sa  multa, suspensyon
Ang nangyaring gulo sa pagitan nina Calvin Abueva ng Phoenix at TNT Katropa import Ter- rence Jones.
Michael Varcas

MANILA, Philippines — Asahan na ang matin­ding parusa ni PBA Commissioner Willie Marcial kay Phoenix star forward Calvin Abueva.

Sa ikalawang sunod na pagkakataon ay mu­ling na­lagay sa spotlight ang 6-foot-2 na si Abueva matapos hatawin sa mukha si TNT Katropang Texters import Terrence Jones sa 88-114 kabiguan ng Fuel Masters sa 2019 PBA Commissioner’s Cup noong Linggo sa Ynares Center sa Antipolo City.

Natawagan si Abueva ng flagrant foul penalty 2 sa huling 7:03 minuto ng fourth quarter matapos niyang tirahin si Jones na nagpabagsak sa dating Houston Rockets player sa sahig.

Sa pagbangon ni Jones para sugurin si Abueva ay kaagad siyang naawat ng kanyang mga teammates.

“He’s lucky his teammates got him away from me when they did, you know,” sabi ng 6-foot-8 na si Jones sa posible niyang pagganti sa 31-anyos na si Abueva.

Malaking multa at suspensyon ang inaasahan ng TNT Katropa na ipapataw ni Marcial kay Abueva dahil sa ginawa nito kay Jones.

Samantala, sa 9:11 pa lamang ng first period ay kaagad nang nasibak sa laro sina Fuel Masters coach Louie Alas at forward Jason Perkins kasama sina Tropang Texters active consultant Mark Dickel at kambal na sina Anthony at David Semerad.

Nagsimula ang gulo nang paghiwalayin ni Abueva sina Phoenix import Rob Dozier at Anthony Semerad na hindi nagustuhan nina David Semerad at Dickel.

Nauna nang nasangkot si Abueva sa kontrobersya dahil sa kanyang pambabastos kay Maika Rivera, ang nobya ni No. 2 overall pick Ray Ray Parks Jr. matapos makuha ang ikaanim na foul sa 103-98 panalo ng Phoenix noong Biyernes.

Pinatawan ng Phoenix si Abueva ng multang P20,000 na ibibigay sa anumang charity na mapipili ni Rivera. 

vuukle comment

2019 PBA COMMISSIONER’S CUP

CALVIN ABUEVA

WILLIE MARCIAL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with