^

PSN Palaro

CEU, Cignal- Ateneo puro na sa Finals

Chris Co - Pilipino Star Ngayon
CEU, Cignal- Ateneo puro na sa Finals
Nakipag- agawan sa bola si Jerome San- tos ng CEU laban kay Irven Palen- cia ng St. Clare-Virtual Reality.
PBA D-League Images

MANILA, Philippines — Patuloy ang matikas na kamada ng Centro Escolar University nang gimbalin nito ang St. Clare College-Virtual Reality, 76-75  upang makalapit sa inaasam na finals berth sa 2019 PBA D-League kahapon sa Paco Arena sa Maynila.

Naisalpak ni Rich Guinitaran ang game-winning lay-up sa huling 13.7 segundo upang hatakin ang Scorpions sa 1-0 bentahe sa best-of-three semifinals series laban sa Saints.

Nagawang manalo ng CEU sa kabila ng pagka­wala ng ilang key players na kasalukuyang iniimbestigahan ng unibersidad dahil sa game-fixing issue.

Pitong manlalaro lamang ang sumalang para sa Scorpions.

“You have to give it to the boys. Though were just playing with just seven guys, I told them when we step inside the court, it’s all about winning,” ani CEU head coach Derrick Pumaren.

Kumana si Guinitaran ng kabuuang 18 puntos kasama ang anim na rebounds at dalawang assists ngunit kumuha rin ng atensiyon si Maodo Malick Diouf na gumawa ng kasaysayan sa liga.

Nagtala ang Senega­lese center ng PBA D-League record na 33 rebounds.

Naglista rin si Diouf ng 19 points, walong blocks, apat na assists at apat na steals sa 40 minutong paglalaro.

Sa ikalawang laro, giniba ng Cignal-Ateneo ang Valencia City-San Sebastian College Recoletos, 105-67 upang makuha ang 1-0 abante sa kanilang sari­ling semifinals series.

Nanguna si Angelo Kouame sa atake ng Blue Eagles nang magtala ito ng 19 markers.

vuukle comment

2019 PBA D-LEAGUE

CENTRO ESCOLAR UNIVERSITY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with