^

PSN Palaro

ABAP matitikas na boxers ang isasabak sa Manila SEA Games

Francisco Cagape - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Mananatili ang national boxing team na isa sa mga maaasahan na magbibigay ng gintong medalya para sa Team Philippines sa darating na 30th Southeast Asian Games na gaganapin dito sa Pilipinas sa Nobyembre 30 hanggang Disyembre 11.

“Everything is going well. Maganda ang trai­ning ng mga boxers natin at talagang pursigido sila na manalo ng golds sa SEA Games,” sabi ni Alliance of Boxing Association of the Philippines (ABAP) secretary-general Ed Picson sa TOPS Forum.

Ayon pa kay Picson, may kabuuang 13 gintong medalya, walo sa lalaki at lima sa babae ang pag­­lalabanan sa darating na biennial meet kung saan humakot ang Pilipinas ng walong ginto, apat na silvers at dalawang bronze medals noong 2005 SEAG  na idinaos din sa bansa.

Sinabi pa ni Picson, bukod sa Thailand, lumakas na rin ang Vietnam at Indonesia sa larangan ng boxing kaya kailangan talaga ang maigting na paghahanda ng national team.

Ang mga magagaling lamang at ‘yong may pag-asa sa gold ang makakasama sa national team na mabubuo sa Setyembre o sa Oktubre matapos ang ilang serye ng quali­fying competitions.

Inaasahan na kabilang sa koponan ang mga malalakas na boksingero na sina Felix Marcial at Josie Gabuco matapos mag-uwi ng ginto mula sa India Open. Tiyak ding kasama si Carlo Paalam, ang bronze medalist sa India Open.

 

vuukle comment

ABAP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with