^

PSN Palaro

National athletes dedma sa hidwaan ng mga POC officials

Francisco Cagape - Pilipino Star Ngayon
National athletes dedma sa hidwaan ng mga POC officials
Hidilyn Diaz

MANILA, Philippines — Sa kabila ng  hidwaan ng mga sports leaders, naka-focus umano ang mahigit 1,000 atleta ng Team Philippines sa kanilang paghahanda para sa  2019 Southeast Asian Games at hindi apektado sa mga nangyayari sa Philippine Olympic Committee (POC).

Ito ang pahayag ni Rio de Janeiro Olympic Games silver medalist Hidilyn Diaz sa ginanap na TOPS  Usapang Sports kahapon sa National Press Club sa Intramuros, Manila.

Kinumpirma ni Diaz na kinausap siya ni POC President Ricky Vargas noong Miyerkules bilang mi­yembro ng POC Athletes’ Commission para hikayatin ang mga atletang Pilipino na ipagpatuloy lamang ang pagsasanay para sa SEA Games at huwag makinig sa mga ingay at hidwaan ng mga sports leaders.

“Sinabi ni Pres. Ricky Vargas na payuhan ko ang mga atleta na mag-focus lamang sa training at hindi pakinggan ang mga nangyayaring kaguluhan sa POC. He (Vargas) said that the athletes have to continue their training and leave it to the sports lea­ders to resolve the problem,” pahayag ni Diaz.

Ayon pa kay Diaz,  com­mitted ang mga atleta sa kanilang responsibilidad sa pagbibigay ng karangalan para sa bansa.

“Kaming mga atleta sa ngayon ay iisa lamang ang hangarin. We will do our best to win medals in the coming SEA Games for the country,” dagdag ni Diaz na tutungo na sa China sa susunod na linggo upang mag-training ng dalawang buwan sa Jiling Province malapit sa Beijing bilang paghahanda para sa World Weightlifting Championship ngayong Setyembre sa Chiang Mai, Thailand.

Bukod kay Diaz, 10 pang Filipino weightlifters ang tutungo sa Fujian, China para mag-training na mahigit isang buwan para sa 2019 SEA Games at sa World Championship.

Ang 30th SEA Games ay gaganapin dito sa bansa sa Nobyembre 30 hanggang sa Disyembre 11 sa Metro Manila, Clark-Angeles City, Subic at Tagaytay City.  

vuukle comment

2019 SOUTHEAST ASIAN GAMES

HILIPPINE OLYMPIC COMMITTEE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with