^

PSN Palaro

Ancajas pinarangalan sa Macau

Chris Co - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Pormal nang iginawad kay International Boxing Federation (IBF) super flyweight champion Jerwin Ancajas ang prestihiyosong Jersey Joe Walcott Award kagabi sa 36th IBF annual convention sa Wynn Palace sa Cotai, Macau.

Si Ancajas ang kauna-unahang Pinoy champion na pinarangalan ng natu­rang pagkilala.

Makakasama ni Ancajas sa listahan sina dating IBF featherweight champion Lee Selby at dating IBF middleweight champion Gennedy Golovkin na siyang tumanggap ng Jersey Joe Walcott Award noong 2018 at 2017 edisyon, ayon sa pagkakasunod.

Ibinigay kay Ancajas ang award matapos ang kanyang seventh-round technical knockout kay Ryuichi Funai noong Mayo sa Stockton, California.

Nagpasalamat naman si Ancajas sa panibagong biyayang kanyang natanggap.

Sikap at tiyaga ang naging puhunan ni Ancajas upang maabot ang tagumpay gaya ng iba pang boksingerong nagsikap para gumawa ng pangalan hindi lamang sa pansariling interes kundi para bigyan ng karangalan ang bansa.

“Sa boksing, kailangan mo talagang magsikap tulad ng ibang world champions like Donnie Nietes, Senator Manny Pacquiao na talagang may kani-kaniyang achievements sa boxing,” ani Ancajas.

Pinuri ni IBF President Daryl Peoples ang husay ni Ancajas na karapat-dapat aniyang tumanggap ng naturang award dahil sa kaniyang impresibong estilo sa ibabaw ng ring.

vuukle comment

JERWIN ANCAJAS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with