^

PSN Palaro

B-Pier sumosyo sa unahan

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon
B-Pier sumosyo sa unahan
Tinangkang supalpalin ni Yousef Taha ng TNT Katropa si Sean Anthony ng NorthPort.
Jun Mendoza

MANILA, Philippines — Panalo ang isinalubong ng mga Batang Pier para sa pagbabalik sa aksyon ng kanilang star guard na si Stanley Pringle.

Kumawala ang NorthPort sa third period para patumbahin ang TNT Katropa, 110-86 sa 2019 PBA Commissioner’s Cup kahapon sa MOA Arena sa Pasay City.

Tumapos si Pringle, nagmula sa surgery para sa kanyang bone spurs sa bukung-bukong, na may 22 points, 3 assists at 2 rebounds para sa ikatlong sunod na ratsada ng Batang Pier at sosyohan ang Blackwater Elite sa liderato.

Nalasap naman ng Tropang Texters ang una nilang kabiguan para sa 2-1 baraha.

“Ni-restrain nila ‘yung high-scoring import,” sabi ni coach Pido Jarencio kay Terrence Jones na nalimitahan nila sa 17 points matapos magtala ng 41 at 43 markers sa una niyang dalawang laro sa PBA. “Ang mindset namin is to play good defense.”

Matapos kunin ng TNT Katropa ang 65-62 abante sa 3:49 minuto ng third period ay nagpakawala ang NorthPort ng 19-0 atake tampok ang magkakasunod na three-point shots nina Pringle, Garvo Lanete at Moala Tautuaa para sa kanilang 74-65 bentahe sa huling 58.7 segundo nito.

Lalo pa itong pinalaki ng Batang Pier sa 89-70 mula sa fastbreak basket ni rookie Robert Bolick sa 7:58 minuto ng fourth quarter patungo sa pagtatala ng 24-point lead, 106-82  galing sa undergoal stab ni Tautuaa sa huling 2:34 minuto ng labanan.

At mula rito ay hindi na nakabangon ang Tropang Texters.

Nagdagdag si Bolick ng 21 points para sa NorthPort kasunod ang 18, 13, 12 at 11 markers nina import Prince Ibeh, Sean Anthony, Lanete at Nico Elorde, ayon sa pagkakasunod.

Pinamunuan naman ni Troy Rosario ang TNT Katropa mula sa kanyang 22 points.

vuukle comment

BATANG PIER

STANLEY PRINGLE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with