Scratchers, Scorpions laglagan
MANILA, Philippines — Pag-aagawan ng Go for Gold-College of Saint Benilde at Centro Escolar University ang huling tiket sa semis sa paglarga ng kanilang do-or-die game ngayong hapon sa 2019 PBA D-League sa Ynares Sports Arena sa Pasig City.
Nakatakda ang rubber match ng Scratchers at Scorpions sa alas-4 ng hapon.
Ang mananalo ang sasama sa Cignal-Ateneo de Manila University, Virtual Reality-St. Clare College at Valencia-San Sebastian College Recoletos sa Final Four.
Nakahirit ang Scratchers ng winner-take-all decider matapos wasakin ang twice-to-beat advantage ng Scorpions sa pamamagitan ng 84-81 desisyon noong Martes.
Bida sa naturang panalo si Gab Banal na siyang humataw ng game-winning triple para makuha ng Scratchers ang panalo.
Inaasahang ibubuhos naman ng Scorpions ang lahat ng kamandag nito para makahirit ng puwesto sa semis.
- Latest