^

PSN Palaro

Elite ika-3 biktima ang Dyip

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon
Elite ika-3 biktima ang Dyip
Dumiretso ang Elite sa kanilang ikatlong sunod na arangkada matapos talunin ang Columbian, 118-110 para solohin ang liderato ng 2019 PBA Commissioner’s Cup kahapon sa Smart Araneta Coliseum.
facebook

MANILA, Philippines — Tila ayaw magpaawat ng Blackwater.

Dumiretso ang Elite sa kanilang ikatlong sunod na arangkada matapos talunin ang Columbian, 118-110  para solohin ang liderato ng 2019 PBA Commissioner’s Cup kahapon sa Smart Araneta Coliseum.

Nagmula ang Blackwater sa dalawang overtime wins laban sa Meralco, 94-91 at nagdedepensang Barangay Ginebra, 108-107.

Nalasap naman ng Columbian ang kanilang ikatlong dikit na kamalasan.

“It’s a great system. We’re just locked in and as long as we got the win, that’s the most important thing,” sabi ni No. 2 overall pick Ray Ray Parks, tumipa ng 23 points, tampok dito ang 4-of-9 shooting sa three-point range, bukod pa ang 5 rebounds, 5 assists at 2 steals.

Humakot naman si import Alex Stepheson ng 26 points, 21 boards, 7 blocks at 3 assists.

Kinuha ng Dyip ang 39-31 abante mula sa three-point shot ni import Kyle Barone sa kaagahan ng second period bago naghulog ang Elite ng 13-4 bomba tampok ang tatlong sunod ns triples ni Allein Maliksi para makatabla sa 44-44.

Inagaw ng Blackwater ang bentahe sa halftime, 57-54  patungo sa pagta­tala ng 10-point lead, 86-76 kontra sa Columbian galing sa tres ni Roi Sumang sa huling 27.3 segundo ng third quarter.

Itinayo ng Elite ang pina­kamalaki nilang kala­mangan sa 92-79 sa pagbubukas ng final canto galing sa tres ni Maliksi.

Nagpakawala naman ang Dyip ng 13-2 atake nang ipahinga ni coach Aris Dimaunahan si Stepheson para idikit ang laro sa 92-94 sa 8:11 minuto nito.

Ang triple ni Maliksi at two-handed slam ng nagbabalik na si Stepheson ang naglayong muli sa Blackwater sa 99-92 sa huling 7:20 minuto ng laro.

vuukle comment

2019 PBA COMMISSIONER’S CUP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with