^

PSN Palaro

Dyip tumupi sa Bolts

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Kaagad nakabangon ang Meralco mula sa una nilang kabiguan habang nalasap ng Columbian ang ikalawang sunod nilang kamalasan.

Ilang beses naghamon ang Dyip sa fourth period bago nailusot ng Bolts ang kanilang 101-92 panalo sa 2019 PBA Commissioner’s Cup kahapon sa Smart Araneta Coliseum.

Ipinasok ng Meralco ang kanilang sarili sa win column para makabawi mula sa 91-94 overtime loss sa Blackwater.

Ito naman ang ikalawang dikit na kamalasan ng Columbian makaraang makalasap ng 98-111 kabiguan sa Alaska.

Humakot si import Gani Lawal ng 25 points at 27 rebounds habang nagdag­dag si guard Baser Amer ng 21 markers tampok ang 5-of-7 shooting sa tree-point line para sa tropa ni coach Norman Black.

“It’s always good to get that first win under your belt,” wika ni Black. “We lost a really tough game the last time out in overtime.”

Mula sa 23-18 abante sa first period ay pinalobo ng Bolts, nakahugot kay import Kyle Barone ng 26 points, 16 boards at 3 assists ang kanilang kala­mangan sa 35-25 sa second quarter patungo sa pagbitbit ng 15-point lead, 50-35 sa halftime.

Nakalapit ang Dyip sa 88-94 agwat sa huling 2:28 minuto ng final canto buhat sa fastbreak basket ni Rashawn McCarthy.

Ang tirada ni Chris Newsome, follow up ni Cliff Hodge at split ni Lawal ang muling naglayo sa Meralco sa 99-89 sa huling 33.1 segundo ng bakbakan.

Samantala, pupuntiryahin ng NorthPort at TNT Katropa ang kani-kanilang ikalawang sunod na panalo.

Lalabanan ng Batang Pier ang NLEX Road Warriors ngayong alas-4:30 ng hapon kasunod ang pakikipagtuos ng Tropang Texters sa Alaska Aces sa alas-6:45 ng gabi sa Big Dome.  

vuukle comment

2019 PBA COMMISSIONER’S CUP

MERALCO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with