^

PSN Palaro

Black ‘di sasakit ang ulo kay Almazan

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon
Black �di sasakit ang ulo kay Almazan
Sa pagdating ni 6-foot-8 Raymond Almazan ay umaasa si one-time PBA Grand Slam champion coach Norman Black na hindi na niya pagdaraanan ang nasabing problema sa dating star center ng Rain or Shine.

MANILA, Philippines — Nagkaroon ng problema ang Meralco sa kanilang mga naunang big man na sina Kelly Nabong at Rabeh Al-Hussaini.

Sa pagdating ni 6-foot-8 Raymond Almazan ay umaasa si one-time PBA Grand Slam champion coach Norman Black na hindi na niya pagdaraanan ang nasabing problema sa dating star center ng Rain or Shine.

Ayon kay Black, ang tubong Orion, Bataan ang pupuno sa kakulangan nila sa shaded lane kung saan inaasahan niya ang mga power forwards na sina Ranidel De Ocampo, Reynel Hugnatan at Cliff Hodge.

“We feel he is one of the best big men in the league and size has been one of the things we’ve been lacking especially in the all-Filipino conference,” wika ni Black kay Almazan.

Nahugot ng Bolts si Almazan mula sa Elasto Painters matapos ibigay ang dalawa nilang first-round picks sa 2020 at 2021.

Inaasahan ni Black na kaagad makakapaglaro si Almazan sa darating na 2019 PBA Commissioner’s Cup na nakatakdang pa­kawalan sa Mayo 19.

Kinuha ng Meralco si  Nigerian-American Gani Lawal para sa kanilang kampanya sa nasabing second conference na pinagharian ni Justin Brownlee at ng Barangay Ginebra laban kay Renaldo Balkman at San Miguel.

Sisimulan ng Bolts ang kanilang kampanya sa 2019 PBA Commissioner’s Cup sa pagharap sa Blackwater Elite na magbabandera kay No. 2 overall pick Bobby Ray Parks  Jr.

vuukle comment

NORMAN BLACK

RAYMOND ALMAZAN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with