^

PSN Palaro

SMB kumpiyansang mananalo sa Game 7

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Isang kasaysayan ang magagawa ng San Miguel kung makakamit ang kanilang pang-limang sunod na PBA All-Filipino Cup crown.

Ngunit para kay Christian Standhardinger, mas mahalaga na nakatutok ang mga Beermen sa pagsagupa sa Magnolia Hotshots sa Game Seven ng 2019 PBA Philippine Cuip Finals bukas sa Smart Araneta Coliseum.

“You know, I don’t care what happened in history,” sabi ng 6-foot-8 Fil-German power forward. “We just need to focus and play our best next game win or lose.”

Itinabla ng San Miguel ang kanilang best-of-seven championship series ng Magnolia sa 3-3 matapos kunin ang 98-86 panalo sa Game Six noong Linggo.

Pinuri ni Beermen coach Leo Austria ang kan­­­yang second unit na kinabibilangan nina Standhardinger, Terrence Romeo at Matt Ganuelas-Rosser sa pagpigil sa Hotshots sa second half.

“I think what happened in the game, we played good defense because of our second group,” sabi ni Austria. “Iyong second group, nahawa na lahat sa kanila.”

Sa nasabing panalo ay humakot si five-time PBA MVP June Mar Fajardo ng 23 points, 18 rebounds at 2 assists habang nagpasabog si Marcio Lassiter ng 20 markers.

Sina Chris Ross, nagsalpak ng limang three-point shots sa first half, Standhardinger at Romeo ay nag-ambag ng 17, 16 at 9 points, ayon sa pagkakasunod.

Hangad ng San Miguel ang kanilang pang-25 kampeonato habang target ng Magnolia ang ika-15 korona matapos pagharian ang PBA Governor’s Cup noong nakaraang taon.

Samantala, dinala naman ng Rain or Shine si center Raymond Almazan sa Meralco kapalit ng dalawang first round picks sa 2020 at 2021.

Dahil sa injury ay hindi nakalaro ang 6-foot-9 na si Almazan sa pagsagupa ng Elasto Painters laban sa Magnolia Hotshots sa best-of-seven semifinals series sa 2019 BA Philippine Cup.

Nagposte ang dating sentro ng Letran Knights sa NCAA ng mga averages na 8.0 points, 6.0 rebounds at 2.17 blocks per game sa anim niyang laro sa torneo.

Sinabi naman ni PBA Commissioner Willie Marcial na pag-uusapan nila ang nasabing trade ng Rain or hine at Meralco ngayong araw.

vuukle comment

PBA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with