^

PSN Palaro

Beermen itinulak ang Hotshots sa Game Seven

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon
Beermen itinulak ang Hotshots sa Game Seven
Hinabol nina Arwind Santos at Chris Ross ng San Miguel ang jumper ni Paul Lee ng Magnolia.
Joey Mendoza

PBA Philippine Cup Finals

MANILA, Philippines — Alam na ng mga Beermern ang gagawin sa mga ganitong sitwasyon.

Inalagaan ng San Mi­guel ang kanilang double-digit lead patungo sa pag-angkin sa 98-86 pa­na­lo laban sa Magnolia sa Game Six para itulak ang ‘winner-take-all’ match sa 2019 PBA Philippine Cup Finals kagabi sa Smart Ara­neta Coliseum.

Itinabla ng Beermen sa 3-3 ang kanilang best-of-seven championship series ng Hotshots patungo sa pagtatakda ng Game Seven sa Miyerkules.

Humakot si five-time PBA MVP June Mar Fajardo ng 23 points, 18 rebounds at 2 assists para banderahan ang four-time PBA All-Filipino Cup champions.

“We wanna come out with a lot of aggresiveness and we wanna make sure to play San Miguel way,” sabi naman ni Marcio Lassiter, tumipa ng 20 markers.

Diniskaril ng San Mi­guel, hangad ang kanilang pang-limang sunod na PBA All-Filipino Cup crown at ika-25 sa kabuuan, ang pag­sikwat ng Magnolia sa titulo.

Ipinoste ng Beermen ang 20-10 abante sa ka­agahan ng first period bago ito pinalobo sa 39-20 ga­ling sa semi hook shot ni Lassiter sa 6:05 minuto ng second quarter.

Isang 11-0 atake naman ang inilunsad ng Hotshots para ilapit ang laro sa 31-39 kasunod ang da­lawang triples ni Chris Ross na nag­layong muli sa kanila sa halftime, 50-36.

Sa sariling 7-0 ratsada ni Christian Standhardinger ay nailista ng Beermen ang 66-53 abante sa 3:12 mi­nuto ng third period hanggang muling makadikit ang Hotshots sa 62-68.

Sa pagbubukas ng final canto ay isang 22-7 bomba ang inihulog ng San Miguel para sa kanilang 22-point lead, 93-71, kontra sa Magnolia, nakahugot ng 17 points kay Jio Jalalon, sa hu­ling 4:19 minuto ng laro.

vuukle comment

BEERMERN

JUNE MAR FAJARDO

PBA PHILIPPINE CUP FINALS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with