^

PSN Palaro

‘Spiderman’ sasaputan ng PBA ng iba’t ibang kaso

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon
�Spiderman� sasaputan ng PBA ng iba�t ibang kaso
Pilit na tinakasan ni ‘Spiderman’ ang bouncer ng Smart Araneta Coliseum matapos magtatakbo sa loob ng court sa kasagsagan ng laro ng San Miguel at Magnolia sa Game Five.
Joey Mendoza

MANILA, Philippines — Hindi palalampasin ng Philippine Basketball Association ang panggugulong ginawa ng nagpakilalang si Paolo Felizarta.

Sinabi ni PBA Commissioner Willie Marcial na inatasan niya si league legal counsel Atty. Melvin Mendoza na sampahan si Felizarta ng kasong alarm scandal at unjust vexation.

Ito ay matapos magtatakbo si Felizarta suot ang ‘Spiderman’ costume sa gitna ng court sa huling 3:08 minuto ng fourth quarter kung saan naghahabol ang San Miguel sa Magnolia, 78-84 sa Game Five ng 2019 PBA Philippine Cup Finals noong Biyernes sa Smart Araneta Coliseum.

Sa kanyang pagtakbo sa gitna ng court ay nabangga niya sa panga si five-time PBA MVP June Mar Fajardo na kaagad bumagsak sa sahig.

May hawak siyang bond paper na may nakasulat na ‘VOTE LOVE’.

“Walang problema yun sa akin, pero mali ‘yung way na pag-send niya ng message,” sabi ng 6-foot-10 na si Fajardo kay ‘Spiderman’.

Habang papatakas ay binangga naman si ‘Spiderman’ nina Beermen Christian Standhardinger at Chris Ross.

Kaagad dinakma ng mga bouncer ng Big Dome si Felizarta at dinala sa security room bago idiniretso sa QCPD Station 7 kung saan siya makukulong hanggang Martes.

Samantala, pinagsusuntok din si Flenn John Lola, nakita sa gilid ng San Miguel dugout, na siya umanong tumulong kay Felizarta na isuot ang costume bago ang insidente.

vuukle comment

PAOLO FELIZARTA

WILLIE MARCIAL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with