^

PSN Palaro

Pablo babandera sa Motolite

Chris Co - Pilipino Star Ngayon
Pablo babandera sa Motolite
Makakasama ni Pablo ang ilang mahuhusay na UAAP standouts sa nalalapit na pagbubukas ng liga.
Facebook Photo

MANILA, Philippines — Babanderahan ni po­wer-hitting outside spiker Myla Pablo ang kampanya ng Motolite sa 2019 Premier Volleyball League (PVL) Reinforced Conference na papalo sa Mayo 26.

Makakasama ni Pablo ang ilang mahuhusay na UAAP standouts sa nalalapit na pagbubukas ng liga.

Ilalabas ni Pablo ang bangis at puso nito at desidido itong suklian ang tiwalang ibinigay sa kanya at umaasa itong mabigyan ng kampeonato ang Motolite.

“Ako naman ibibigay ko lang parati yung best ko sa bawat laro. Bilang ate sa team, kailangan ko silang tulungan hindi lang sa laro pati sa character sa loob at labas ng court,” wika ni Pablo.

Makakasama ni Pablo sa koponan sina Isa Molde, Diana Mae Carlos, Ayel Estranero, Ai Gannaban at Maris Layug ng University of the Philippines at sina Adamson University players Eli Soyud, Thang Ponce, Fenela Emnas at Jellie Tempiatura.

Hahawakan ang Motolite nina dating Adamson mentor Air Padda at UP head coach Godfrey Okumu.

“Excited akong makasama sila (UP at A­damson players). Marami na akong nakasama, na­ging teammates. This time mga bata ang kasama ko, mas bata sa akin kaya kailangan yung leadership ko sa team,” anang dating National University ace.

Ilang taon ding naglaro si Pablo suot ang Pocari Sweat jersey.

Binigyan nito ng tatlong sunod na korona ang Lady Warriors sa PVL – noong 2016 Open Conference, 2016 Reinforced Confe­rence at 2017 Reinforced Conference.

vuukle comment

MYLA PABLO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with