^

PSN Palaro

San Miguel humirit sa Game 4

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon
San Miguel humirit sa Game 4
Itinabla ng San Miguel sa 2-2 ang kanilang best-of-seven titular showdown ng Magnolia.

MANILA, Philippines — Hindi hinayaan ng nagdedepensang San Miguel na lalo pang malugmok sa serye.

Niresbakan ng Beermen ang Magnolia Hotshots sa Game Four, 114-98 sa kanilang championship series para sa 2019 PBA Philippine Cup Finals kagabi sa Smart Araneta Coliseum.

Itinabla ng San Miguel sa 2-2 ang kanilang best-of-seven titular showdown ng Magnolia.

“Mabuti at nakuha namin ang panalo, Nag-step up kami lahat at nasunod ‘yung game plan namin,” ani five-time PBA MVP June Mar Fajardo na nagtala ng 31 points at 14 rebounds.

Mula sa seven-point-lead, 54-47 sa halftime ay kumawala ang Beermen sa third quarter sa likod nina Fajardo, umiskor ng 14 points, Chris Ross at Terrence Romeo para ilista ang 85-69 bentahe sa hu­ling 1:07 minuto nito.

Lalo pang nabaon ang Hotshots, kinuha ang 86-82 panalo sa Game Three noong Linggo, sa 82-99 nang umiskor si Fil-German forward Christian Standhardinger sa huling 6:09 minuto ng final canto.

Ang jump shot ni Romeo ang nagbigay sa San Miguel ng 105-88 kalama­ngan sa huling 3:50 minuto ng bakbakan para tuluyan nang selyuhan ang kanilang panalo sa Magnolia.

Samantala, muli na namang nagdagdag ng tropeo sa kanyang koleksyon si Fajardo.

Ito ay matapos hirangin ang five-time Most Va­luable Player bilang Best Player of the Conference ng 2019 PBA Philippine Cup kagabi sa Smart Araneta Coliseum.

Ito ang ikaanim na sunod na BPC award ng 29-anyos na tubong Compostela, Cebu sa All-Filipino conference.

vuukle comment

2019 PBA COMMISSIONER’S CUP

SAN MIGUEL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with