^

PSN Palaro

Hotshots niresbakan ang Beermen para sa 2-1 lead

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon
Hotshots niresbakan ang Beermen para sa 2-1 lead
Pinilit ni Magnolia guard Mark Barroca na makawala kay Marcio Lassiter ng San Miguel sa Game 3.
(Kuha ni Jun Mendoza)

MANILA, Philippines — Magdamag na dinomina ng mga Hotshots ang rebounding deprtmant, habang hindi naman pumapasok ang mga tira ng Beermen sa three-point range.

Niresbakan ng Magnolia ang nagdedepensang San Miguel sa Game Three, 86-82, para kunin ang bentahe sa 2019 PBA Philippine Cup Finals kagabi sa Smart Ara­neta Coliseum.

Nakabangon ang Hotshots mula sa 101-108 pagka­talo sa Game Two noong Biyernes para iposte ang 2-1 kalamangan sa kanilang best-of-seven championship series ng Beermen.

Muntik masayang ang itinayong 12-point lead, 54-42, ng Magnolia sa third quarter matapos makadikit ang San Miguel sa 79-82 mula sa three-pointer ni Alex Cabagnot sa huling 17 segundo ng fourth period.

Ang apat na sunod na free throws ni Mark Barroca ang tuluyan nang sumelyo sa panalo ng Hotshots.

Samantala, kinuha ng TNT Katropa si dating Houston Rockets forward Terrence Jones para sa darating na 2019 PBA Commissioner's Cup na didribol sa Mayo 19.

Hangad ng Tropang Texters na makabangon mula sa pagkakasibak sa 2019 PBA Philippine Cup.

Ang Barangay Ginebra ang nagkampeon noong na­karaang taon.

vuukle comment

2019 PBA PHILIPPINE CUP

HOTSHOTS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with