^

PSN Palaro

Rockets tinapos na ang Jazz

Pilipino Star Ngayon
Rockets tinapos na ang Jazz
Umabante ang Houston sa Western Conference semifinals sa ikatlong sunod na season at sasagupain ang mananalo sa serye ng Golden State Warriors at Los Angeles Clippers.
AFP

HOUSTON — Umiskor si James Harden ng 26 points para tulungan ang Rockets sa 100-93 pagsibak sa Utah Jazz sa Game Five at tapusin ang kanilang first-round playoff series sa 4-1.

Umabante ang Houston sa Western Conference semifinals sa ikatlong sunod na season at sasagupain ang mananalo sa serye ng Golden State Warriors at Los Angeles Clippers.

Kumolekta si Clint Capela ng 16 points at 10 rebounds para sa Rockets.

Ang basket ni Utah guard Ricky Rubio ang naglapit sa kanila sa 93-94 agwat sa huling minuto ng fourth quarter kasunod ang dalawang free throws ni P.J. Tucker para muling i­layo ang Houston sa 96-93.

Sinupalpal ni Harden ang tira ni Jazz center Ruby Gobert na nagresulta sa dalawa niyang free throws para ibigay sa Rockets ang 98-93 kalamangan sa natitirang 38 segundo.

Sa Oakland, California, nagsalpak si Lou Williams ng isang fadeaway jumper sa huling 1:29 minuto ng laro at tumapos na may 33 points at 10 assists para akayin ang Clippers sa 129-121 panalo sa Warriors sa Game 5 ng kanilang serye.

Bagama’t natalo ay hawak pa rin ng Golden State, nakakuha ng 45 points mula kay Kevin Durant, ang 3-2 lead sa kanilang serye ng Clippers.

Nagdagdag naman sina Danilo Gallinari at Montrezl Harrell ng 26 at 24 points, ayon sa pagkakasunod habang may 17 markers si Patrick Beverley, humugot ng charging foul kay Warriors’ shooter Klay Thompson sa huling 1:40 minuto ng labanan, para sa Clippers.

vuukle comment

JAMES HARDEN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with