Gabuco, Marvin sa semis na rin
MANILA, Philippines — Nakahirit din ng tiket sa semis sina reigning Southeast Asian Games champion John Marvin at dating World Championship gold medallist Josie Gabuco matapos magsumite ng impresibong panalo sa kani-kanilang dibisyon sa prestihiyosong 2019 Asian Boxing Elite Championships na ginaganap sa Huamark Indoor Stadium sa Bangkok, Thailand.
Inilista ni Marvin ang 4-1 unanimous decision win laban kay Daneshvar Hossein ng Iran sa quarterfinals ng men’s light heavyweight division.
Nakuha ni Marvin ang boto ng apat na hurado mula Uzbekistan (30-27), Turkey (29-28), Japan (29-28) at Tajikistan (29-28) habang pumabor sa Iranian pug ang Hungarian judge na nagbigay ng 29-28 iskor.
Aarangkada sa semis si Marvin laban kay Shinebayar Narmandakh ng Mongolia na nagsumite ng 4-0 unanimous decision win kay Anavat Thongkrathok ng host Thailand sa hiwalay na quarterfinal bout.
Hindi rin maawat si Gabuco na nailusot ang 3-2 split decision win kay Alua Balkibekova ng Kazakhstan sa quarterfinals ng women’s light flyweight category.
- Latest