^

PSN Palaro

Obiena lumundag ng bagong marka

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Inangkin ni EJ Obiena ang gintong medalya sa pole vault event ng 23rd Asian Athletics Championships sa Doha, Qatar sa pamamagitan ng record-breaking per­formance.

Lumundag ang 23-an­yos na si Obiena ng 5.71 metro para talunin sina Zhang Wei at Huang Bokai ng China na naglista ng parehong 5.66m.

Nanguna sina Zhang, ang Asian Indoor silver medalist na kumuha ng gold medal sa nasabing event sa Wuhan, China noong 2017 at Huang, da­ting Asian Junior champion at 2016 Asian Indoor gold medal winner, sa unang tatlong attempts bago na­ngibabaw si Obiena sa hu­ling tatlo niyang attempts.

Ang nasabing lundag ni Obiena ang bagong Asian Athletics Championship record para burahin ang sarili niyang national mark na  5.61m na kanyang itinala sa Stabhochsprung Classic sa Leverkusen, Germany noong 2017.

Dahil dito ay nakakuha si Obiena ng tiket para sa 2019  World Championships sa Sept. sa Doha.

Ang 5.71m ni Obiena ay mas maganda sa kasalukuyang Southeast Asian Games record na 5.35m na inirehistro ni reigning gold medal winner Porranot Purahong ng Thailand noong 2017 edition ng biennial meet sa Kuala Lumpur, Malaysia.

Pumangalawa si O­biena kay Purahong sa nasabing SEA Games.

vuukle comment

EJ OBIENA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with