^

PSN Palaro

San Juan kumakaway na sa korona

Francisco Cagape - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Hindi binigo ng host San Juan Knights ang kanilang mga supporters matapos ilampaso ang bisitang Davao Occidental Tigers, 67-64 para umangat sa 2-1 bentahe sa best-of-five National Finals series sa 2019 Maharlika Pilipinas Basketball League (MPBL) Datu Cup noong Martes ng gabi sa FilOil Flying V Center sa San Juan City.

Umani si Ryan Michael Ayon Ayon ng 15 puntos, apat na rebounds, dalawang assists at dalawang steals upang burahin ang 1-1 tabla sa serye.

Hangad ngayon ng Knights ni dating Sen. Jinggoy Estrada na tapusin na ang Finals sa muling paghaharap sa Game 4 sa Lunes sa kanilang homecourt pa rin.

Nakuha rin ng San Juan ang Game 1 (84-74) noong Abril 11 bago yumuko sa Tigers (60-67) sa Game 2 noong Abril 13. Kaya inaasahang pipigilan ng Knights na makabalik pa ang serye sa teritoryo ng Davao sa Game 5 na nakatakda sa Abril 25.

Bukod kay Ayon Ayon tumulong din ng 12 puntos at pitong rebounds si John Wilson habang si Jhonard Clarito ay tumapos din ng 12 puntos kabilang na ang isang lay-up para mu­ling itabla ang laro, 64-64 sa huling 55 segundo ng tikada.

Tumipak din si Clarito ng 17 rebounds, dala­wang assists, tatlong steals at dalawang blocks para umusad ang tropa ni coach Randy Alcantara sa isang hakbang para tulu­yang angkinin ang kanilang ikalawang kam­peo­nato, matapos maghari sa nabuwag na Metropolitan Basketball Association tiitle noong 2000.

Si Mac Mac Cardona ay gumawa rin ng siyam na puntos, dalawang rebounds, tatlong assists at dalawang steals at walong puntos na may kasamang pitong rebounds at isang assist mula kay Larry Rodriguez.

vuukle comment

BASKETBALL

MPBL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with