^

PSN Palaro

La Salle ikakasa na ang semis

Francisco Cagape - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Asam ng three-peat champion De La Salle Lady Spikers na padapain muli ang arch-rival Ateneo Lady Eagles upang masungkit ang ikalawang Final Four berth sa kanilang paghaharap ngayon sa Season 81 UAAP volleyball tournament sa Araneta Coliseum.

Tangan ang 8-3 win-loss kartada, titipanin ng Lady Spikers ang solo leader Lady Eagles sa alas-4 ng hapon pagkatapos ng laro ng Adamson Lady Falcons (1-10) at UE Lady Warriors (2-9) sa alas-2 ng hapon.

Pagkatapos matalo sa Lady Spikers sa una nilang laro, 14-25, 17-25, 25-16, 22-25 sa first round ng elimination noong Pebrero 17, humataw ang Lady Eagles ng sampung sunod na pa­nalo upang maging unang koponan na pumasok sa Final Four sa kanilang 10-1 win-loss kartada.

Pinagbawalan ni coach Oliver Almadro ang kanyang tropa na mag-relax para pormal na angkinin ang unang twice-to-beat advantage tungo sa pagpasok sa Finals makaraang mabigo sa nakalipas na taon.

Kailangan lamang na manalo ang Ateneo laban sa DLSU upang opisyal na makuha ang top seed at unang twice-to-beat  a­dvantage.

Para naman kay coach Ramil de Jesus ng DLSU kailangan nilang manalo muli sa Ateneo para pormal na pumasok sa semis at umangat sa 9-3 slate.

Pero kung mabibigo ang Lady Spikers babag­sak na naman sila sa three-way tie sa ikalawang puwesto kasama ang FEU Lady Tamaraws (8-4) at UST Tigresses (8-4) kaya lalong magiging kumplikado ang tangkang  twice-to-beat.

Sa men’s division, asam ng Adamson Soa­ring Falcons (8-4) ang pang-siyam na panalo laban sa DLSU Green Spikers (4-7) sa alas-8 ng umaga at susundan agad ng laban ng Ateneo Blue Eagles (8-4) at UE Red Warriors (2-10) sa alas-10 ng umaga.  

vuukle comment

UAAP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with